
Gumawa ng 'lavender-lemonade' na juice para sa iyong minamahal na sumasakit ang ulo!

Gumawa ng 'lavender-lemonade' na juice para sa iyong minamahal na sumasakit ang ulo!
Kamakailan lamang, ang isang health specialty media 'Healthylivingthread' ay nagpakilala ng 'lavende-lemonade' na resipe na mabuti upang pagalingin ang sakit sa ulo, ang istorbo sa mainit na tag-init.
Ang lavendar ay isang uri ng damo kilala para sa nakakarelaks na amoy. Ang lavender ay maganda sa aroma at kulay at namumulaklak ng bayolet, hugis-labi na mga bulaklak sa tag-init.
Ang lavender ay mahina sa kahalumigmigan at sa init, ngunit ito ay epektibo sa pagpapagaling ng sakit sa ulo at sobrang sakit sa ulo sa mainit na tag-init.
Gayundin, ito ay epektibo sa pagbabawas ng anemya, neuralhiya at stress, kaya ito ay madalas na ginagamit upang maghanda sa pagligo o pabango sa pagligo.
Ang mga lavender ay mas mabuti pa kung ito'y kakainin na may lemon dahil ang lemon ay may abilidad na magpagaling ng sakit sa ulo.
Paano gumawa ng lavender-lemonade na juice 1) Maglagay ng tuyong lavender at honey sa isang tasa ng kumukulong tubig.
2) Lutuin ng 20 minuto.
3) Idagdag ang juice ng lemon sa nilutong tubig at ibuhos ang tubig upang ayusin ang konsentrasyon.
4) Ang nakumpletong juice ay maaaring mapanatili sa loob ng refrigerator.
Alagaan ang kalusugan at mahal sa pamamagitan ng maganda at masarap na 'lavender-lemonade' na juice!