
Isang magandang hamon ng tatay na mapagmahal, ang protektahan ang kanyang anak na babae mula sa mga asar na siya ay isang 'anak na walang ina'.

Isang magandang hamon ng tatay na mapagmahal, ang protektahan ang kanyang anak na babae mula sa mga asar na siya ay isang 'anak na walang ina'.
May tatay na pumunta sa Akademya nang ilang oras kada araw, nag-aalala kung ang kanyang anak ba ay nasasaktan sa isip.
Ang online na media ng England na Daily mail ay naghatid ng kaigiliw-giliw na istorya ni Greg Wickerst at ang kanyang kaibig-ibig na babaeng anak na si Izzy na nakatira sa Colorado.
Isang solong ama, si Greg, na nakipaghiwalay sa kanyang asawa noong si Izzy ay naging tatlong taong gulang at kailangan niyang palakihin siya nang sarili niya lamang.
Ang pagpapalaki ng kanyang anak na babae lamang sa unang pagkakataon ay isang hindi pamilyar at mahirap na hamon para kay Greg. Isa sa mga nakakapagod na mga gawain ay ang pag-aayos ng buhok ni Izzy.
Hindi tulad ng mga ina ng iba pang mga batang babae na sanay na gumawa ng mga kamangha-manghang hairdos, talawagang kahamon-hamon ito kay Greg, isang kumpletong novice sa pag-aayos ng buhok.
Isang araw, nag-alala si Greg dahil baka apihin si Izzy ng ibang mga bata dahilan sa wala siyang nanay na mag-aalaga sakanya tulad sa ibang mga bata.
Siya ay nagrehistro kagad sa isang paaralan sa pag-aayos ng mga buhok para sa kanyang minamahal na babaeng anak at nagsanay magtali ng buhok nang ilang oras.
Sa kalaunan, pinagkadalubhasaan niya ang kasanayang ito at nakapagbigay siya ng mga kamangha-manghang hairdos kay Izzy na hindi kaya ng iba.
Kada umaga, kinukuhanan ni Greg ng litrato ang buhok ni Izzy at ipapasok ito sa SNS, hindi nagtagal, ito ay sumikat.
Sabi ni Greg "Tunay ngang mahirap ito sa simula, ngunit magaling na ako ngayon." at "Maraming ama ang hindi alam na ang pagtatali ng buhok ay madali at masayang trabaho."
Idinagdag niya rin, "Nararamdaman kong ako ang pinakamasaya tuwing nakikita kong niyayakap ako ni Izzy habang nakatali ang kanyang buhok kada umaga."
Ang kasanayan ni Greg sa pagtatali ng buhok ay sumikat nang ito ay unang nai-post sa SNS noong 2015, ngunit kamakailan ay nakakakuha nanaman ito ng maraming atensyon.